These street dwellers returned valuables to a stranger without getting anything. Are you proud of them? #KMJS #KapusomoJessicasoho #Raffytulfoinaction
“Kuya, may napulot kaming wallet pero di namin binawasan ‘yan.”
Humanga ang netizens sa kagandahang loob na ipinakita ng mga batang ito sa Malabon City! Ayon sa nagbahagi ng larawan na si Rex na nagtatrabaho bilang security guard sa isang mall sa Malabon City, nilapitan siya ng mga bata upang ibalik ang napulot nilang wallet na naglalaman ng pera at driver’s license. Naibalik na ito sa may-ari.
Mensahe ni Rex, huwag maging mapanghusga base sa panlabas na anyo, dahil maaaring nagtatago lang ito ng ginintuang puso.

0 Comments